Tanging ang mga pasyenteng mayroon nang appointment ang maaring magpunta sa SOJR Building.
Pansamantalang hindi makakapag-schedule ng FACE-TO-FACE consultation ang aming mga pasyente, kahit pa gamitin ang OCRA website (pghopd.up.edu.ph).
Subalit, maaari pa ring gamitin ang website na ito para sa ONLINE CONSULTATION.
Ang mga pasyente na may EMERGENCY na kondisyon ay pinapayuhang magtungo sa emergency na pinakamalapit sa inyong lugar.
Manatili po sa bahay upang maiwasang mahawa sa sakit na dulot ng COVID-19 virus.
Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa sa panahon ng krisis.
Maraming salamat po!